CSB Lady Blazers swak sa semifinals
MANILA, Philippines — Tiyak nang uusad sa semifinals ang defending champion College of St. Benilde matapos silang akayin ni Zamantha Nolasco sa 25-18, 25-19, 17-25, 25-18 panalo kontra sa Letran sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.
Tumikada si Nolasco ng 17 points mula sa 11 kills at anim na blocks upang ilista ang 13-2 karta ng Lady Blazers at agawin ang solong liderato.
Nag-ambag si Cristy Ondangan ng 14 points at may tig-10 markers sina Shahanna Rheign Lleses at Rhea Mae Densing para sa tsansa sa ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals.
Nalasap naman ng Lady Knights ang pangatlong talo sa 16 laro.
Nagtala si Sheena Vanessa Sarie ng 16 points at bumakas si Marie Judiel Nitura ng 10 markers para sa Letran.
Isang panalo lamang ang kailangan ng Lady Knights para makakuha ng bonus o kailangan matalo ng isang beses ang Mapua Lady Cardinals (11-5).
- Latest