Saint Benilde kapit-tuko sa No. 2
MANILA, Philippines — Ayaw bumitaw sa top 2 sa team standings ang defending champion College of Saint Benilde matapos nilang katayin ang San Beda University, 25-17, 25-19, 25-18 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa Emilio Aguinaldo College Gym kahapon.
Humataw si Zamantha Nolasco ng 14 points, 13 attacks, isang block para tulungan ang taft-based squad na ilista ang 12-2 karta at manatiling nasa pangalawang puwesto.
Maliban kay Nolasco, uminit din ang opensa nina Francis Mycah Go, Cristy Ondangan at Clydel Mae Catarig kaya madaling kinaldag ng Lady Blazers ang Lady Red Spikers.
Nagtala si Go ng 13 points, may 12 markers si Ondangan habang 10 ang kinana ni Catarig para sa CSB na sunod na makakalaban ang league leader Letran sa Miyerkules.
Tangan ng Letran ang 13 2 baraha, pangatlo ang Mapua University na may 10-5 record habang No. 4 ang University of Perpetual Help System DALTA na karga ang 9-5 baraha.
Nirehistro ni Janelle Bachar ang 11 puntos, may 10 na ambag si Angel Mae Habacon para sa San Beda na nakabaon sa ilalim karga ang 2-13 card.
Nirehistro ni Janelle Bachar ang 11 puntos para sa SBU na nakabaon sa ilalim tangan ang 2-13 baraha.
Samantala, nagwagi ang Mapua University sa Jose Rizal University, 25-17, 25-20, 25-22 sa unang laro.
- Latest