^

PSN Palaro

Bulldogs umukit ng kasaysayan sa UAAP

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahirang na Finals Most Valuable Player si Leo Aringo matapos nitong akayin sa five-peat ang National University nang lapain ang Far Eastern University, 25-16, 28-26, 25-23 sa do-or-die Game 3 finals ng UAAP Season 87 men’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Umukit ng history ang Bulldogs na unang team na nagtala ng limang sunod na kampeonato sa Final Four era, kaya makulay din ang huling taon na paglalaro ni Aringo sa UAAP.

“Sobrang thankful kasi sa series na ito, ito iyung pinaka-experience ko na sobrang ganda nung series. Talagang Game 1 at Game 2, dikdikan talaga.” ani NU head coach Dante Alinsunurin.

Tumikada si Aringo ng siyam na puntos kasama ang 10 excellent receptions at apat na excellent digs habang si Leo Ordiales ang nanguna sa opensa para sa NU sa tinalang 13 points mula sa 10 attacks at tatlong blocks.

“Ayokong maging emotional ngayon kasi hindi pa talaga nagsi-sink in yung pagiging champion namin. Sobrang thankful ako na naggraduate ako na nagawa yung history na sinimulan ng seniors namin.” ani Aringo.

Naudlot naman ang naunang pagtatangkang maputol ang 13-taong pagkagutom sa korona ng Tamaraws na sinubukang dalhin ni coach Eddieson Orcullo para madugtungan ang 24 titlle ng Morayta-based volleyball squad.

Nawalang saysay ang 24 markers na nirehistro ni Zhydryx Saavedra para sa FEU na nabigong kalsuhan ang 13 taong pagkagutom sa korona.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with