^

PSN Palaro

Cone pass muna sa SEAG?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cone pass muna sa SEAG?
Tim Cone

MANILA, Philippines — Hindi masisilayan si Barangay Ginebra mentor Tim Cone bilang head coach ng Gilas Pilipinas na hahataw sa 2025 Southeast Asian Games na nakatakda sa Disyembre sa Bangkok, Thailand.

Ilang bagay ang tinukoy ni Cone na mga posibleng dahilan nito para tanggihan muna ang coaching ng Gilas Pilipinas sa SEA Games.

Una na ang schedule dahil kasabay ng SEA Games ang kumperensiya ng PBA sa Disyembre.

Nais ni Cone na isentro ang atensiyon nito sa coaching job nito sa Barangay Ginebra sa halip na hawakan ang Gilas sa SEA Games.

Maaari lamang na matuloy si Cone sa SEA Games kung magkakaroon ang PBA ng pahinga para bigyang-daan ang partisipasyon ng Gilas Pilipinas sa biennial meet.

Magiging malaking problema para sa Sama­hang Basketbol ng Pilipinas ang pagbuo ng national pool para sa SEA Games.

Hindi kasama ang SEA Games sa kalendaryo ng FIBA kung saan nagkakaroon ng break ang mga international leagues para sa mga FIBA events.,

Dahil dito, hindi maa­aring makaalis ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas pool sa kani-kanyang mother teams lalo na ang mga naglalaro sa abroad gaya ng Japan B.League at Korean Basketball League.

Isa sa posibleng maging solusyon ang pagkakaroon ng break ng PBA para sa SEA Games kung saan maaaring makakuha ng mga players mula sa liga na siyang kakatawan sa bansa sa Thailand Games.

Mas magiging madali ito para kay Cone dahil maaaring kunin nito ang ilan sa mga players nito sa Barangay Ginebra na sanay na sa kanyang sistema kasama ang kasalukuyang miyembro ng Gilas pool.

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with