Larga Pilipinas papadyak sa Agosto 2

MANILA, Philippines — Higit sa 10,000 siklista ang inaasahang lalahok sa Larga Pilipinas na maglalatag ng isang six-stage race na magsisimula sa Agosto 2 sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at magtatapos sa Agosto 7 sa Baguio City.
Una at huling idinaos ang Larga Pilipinas noong 2018 na inilarga sa EDSA at Marikina kung saan umabot sa 10,000 ang sumali.
“We call this a people’s race and a race for all so we’re expecting a bigger turnout than the last,” sabi ni Larga Pilipinas operations director Snow Badua kahapon sa event launch sa Red Dynasty Seafood and Hotpot Restaurant sa Manila City.
Hanggang 10 professional teams muna ang tatanggapin ng Larga Pilipinas, ayon kay chairman Atty. Froi Dayco.
Kabilang sa mga nagkumpirma na papadyak sa karera ay ang Go for Gold, Standard Insurance-Navy, Excellent Noodles, D-Reyna Orion Cement at ang Tour of Luzon team champion Metro Pacific Tollways Drivehub.
Pepedal ang mga siklista sa kabuuang 809 kilometro sa event na suportado ng Viva Premier Gaming, 888 Horsemen Group Inc., Red Dynasty Seafood and Hotpot Restaurant, Phenom Sportswear, Starhorse Shipping Lines, Chickyfam, Midas, Smart Resources Corp., PCSO Scratch it, Go for Gold, Surecom Wireless Communication at Colbi’s Best at may basbas ng PhilCycling.
“Part of the challenge is the weather condition and the hazardous, slippery road when it rains,” ani Dayco.
Bibitawan ang 197km Cabanatuan-Cabanatuan Stage One sa Aug. 2.
- Latest