Eala, Gauff talsik na sa Italian Open
MANILA, Philippines — Tuluyan nang natuldukan ang magandang ratsada nina Pinay netter Alex Eala at American partner Coco Gauff matapos yumuko sa quarterfinals ng 2025 Italian Open women’s doubles na ginaganap sa Rome, Italy.
Lumasap sina Eala at Gauff ng 5-7, 6-3, 10-7 kabiguan sa kamay nina Italian third seeds Sara Errani at Jasmine Paolini sa larong tumagal ng isang oras at 36 minuto.
Maganda ang simula nina Eala at Gauff nang kunin nito ang 5-3 kalamangan. Subalit mainit ang resbak nina Errani at Paolini nang maglatag ito ng solidong laro para makuha ang first set.
Nakabalik sa porma sina Eala at Gauff sa second set para maitabla ang laro sa 1-1 at maipuwersa ang super tiebreak.
Naging pukpukan ang laban sa tiebreak kung saan palitan ng magagandang atake ang dalawang pares na nauwi pa sa 6-6 pagtatabla.
Mas naging agresibo sa net sina Errani at Paolini para itarak ang 4-1 run at makuha ang panalo.
- Latest