Coco Gauff saludo kay Eala

MANILA, Philippines — Saludo si world No. 3 Coco Gauff sa ipinapamalas ni Alex Eala sa WTA circuit.
Personal na nasaksihan ni Gauff ang mga galaw ng Pinay netter sa loob at labas ng court dahil magkapares ito sa women’s doubles sa ginaganap na Italian Open sa Rome, Italy.
Ilang araw pa lamang magkasama sina Gauff at Eala. Ngunit nakitaan na agad ang dalawa ng chemistry.
Alam ni Gauff ang matinding hamon sa mundo ng tennis lalo na sa mga nagsisimulang players gaya ni Eala.
May mga pagkakataon na mananalo at matatalo sa bawat laro.
“There are ups and downs in the sport but you realize that the media is there to kind of paint that story and make it more interesting,” ani Gauff sa panayan ng tennis.com.
Ngunit sa nakikita nito kay Eala, tiwala si Gauff na magpapatuloy ang magandang ratsada nito sa mga susunod na torneong lalahukan nito.
Masaya si Gauff na nakakasabay si Eala sa tindi ng pressure sa WTA circuit.
“But that shouldn’t add pressure or anything like that. She seems to be handling it super well,” dagdag ni Gauff.
Dahil sa tapat at husay ni Eala sa loob at labas ng court, wala nang maibabahagi pang payo si Gauff.
Kailangan lang tutukan ang bawat laro at maging handa sa anumang pagsubok na darating.
Matapang si Eala na makailang ulit nang humarap sa malalakas na players sa mundo.
Kabilang na rito ang sunud-sunod na pagpapatalsik nito sa mga Grand Slam champions sa Miami Open kabilang na si reigning French Open champion Iga Swiatek.
- Latest