^

PSN Palaro

Reyes tiwalang masisikwat ng UST ang bonus

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Reyes tiwalang masisikwat ng UST ang bonus
UST coach Kungfu Reyes
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Sto. Tomas ang twice-to-beat advantage sa semifinals ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament kaya naman nais ni head coach Kungfu Reyes na tularan ng kanyang bataan ang winning mentality ng defending champion National University.

Malaki ang tiwala ni Reyes sa kanyang mga bataan, naniniwala ito sa kanilang kakayahan pero marami pa silang dapat ayusin para maging handa sa semifinals.

“Sabi nga namin sa kanila na championship material tayo, pero marami pa tayong dapat ayusin,” ani Reyes. “Hindi na sa volleyball skills minsan, more on yung tayuan, yung talagang alam mo yung tayo pa lang matibay na. Ganon si NU, talagang hinahawakan niya yung pagiging beterano nila,”

Paniguradong sasa­lang ang UST sa final four, pero makikipaglaro pa ito sa De La Salle University ngayong alas-2 ng hapon sa Araneta Coliseum para sa No. 2 seeding at pa­ngalawang twice-to-beat bonus.

Parehong may 9-5 karta ang UST, DLSU at Far Eastern University pero uupuan ng Lady Tamaraws ang No. 4 habang may one-game playoff ang Golden Tigresses at Lady Spikers.

Nakopo na ng Lady Bulldogs ang unang incentive matapos angkinin ang top seeding sa nilistang 12-2 karta.

Kakapitan ni Reyes sina Angeline Poyos, Regina Grace Jurado, Maribeth Hilongo at Margaret Altea upang masungkit ang inaasam na bonus.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with