^

PSN Palaro

Letran pakay ang liderato sa EAC

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisikapin ni Sheena Va­nessa Sarie na maita­guyod sa panalo ang Letran pagharap nila sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 wo­men’s volleyball tour­nament na lalaruin sa FilOil Arena sa San Juan ngayon.

Pakay ni Sarie at ng Lady Knights na masolo ang tuktok ng team stan­dings at mapatibay ang pagkapit sa No. 1 spot.

Sa alas-11 ng umaga ang simula ng paluan ng bola sa pagitan ng Letran  at EAC, sunod ang bakbakan ng Lyceum of the Philippines University at Mapua University sa alas-2:30 ng hapon.

Hawak ng Intramuros-based squad ang 9-2 karta, kapareho nila ang defen­ding champion College of Saint Benilde kaya asa­hang itotodo ng una ang laro para makakawala sa huli.

Makakatulong ni Sarie sa opensa sina Gia Marcel Maquilang, Verenicce Colendra, Natalie Marie Estreller at Marie Judiel Nitura para sikwatin ang panalo sa EAC.

Noong Sabado ay kumana sina Sarie at Maquilang ng tig-14 points upang akbayan ang Letran sa panalo kontra tigasing University of Perpetual Help System DALTA, 27-25, 25-23, 25-21 noong Sabado.

Paniguradong mahihirapan ang Lady Knights bago nila mapayuko ang Lady Generals na determinadong umusad sa susunod na phase sa torneong may 10-team double round robin.

Hawak ng EAC ang 3-8 karta kaya malaki pa ang tsansa nila sa asam na makapasok sa semis.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with