Grizzlies winalis ng Thunder

MEMPHIS — Bumanat si MVP finalist Shai Gilgeous-Alexander ng 38 points para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 117-115 panalo sa Game Four at kumpletuhin ang 4-0 sweep sa Grizzlies sa kanilang Western Conference first-round series.
Nagtala rin si Gilgeous-Alexander ng 5 rebounds, 6 assists at 2 steals habang humakot si forward Jalen Williams ng 23 markers at 5 assists para sa pagwalis ng Oklahoma City sa kanilang best-of-seven showdown ng Memphis.
Lalabanan ng Thunder sa second round ang mananalo sa first-round series ng Denver Nuggets at Los Angeles Clippers.
Hindi naglaro si superstar point guard Ja Morant para sa Grizzlies dahil sa left hip contusion.
Sa Inglewood, California, ipinasok ni Aaron Gordon ang buzzer-beating slam dunk para sa 101-99 pagtakas ng Nuggets sa Clippers sa Game Four at itabla sa 2-2 ang kanilang bakbakan.
Sa Cleveland, umiskor si Jarrett Allen ng 22 points habang may 21 markers si De’Andre Hunter para gabayan ang Cleveland Cavaliers sa 124-87 pagpapalamig sa Heat sa Game Three at kunin ang 3-0 lead sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Sa San Francisco, kumamada si Stephen Curry ng 36 points, 9 assists at 7 rebounds sa 104-93 panalo ng Golden State Warriors sa Houston Rockets sa Game Three at agawin ang 2-1 abante sa kanilang serye.
- Latest