^

PSN Palaro

Tropang 5G reresbak sa FiberXers

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Tropang 5G reresbak sa FiberXers
Magtatagisan ang Tropang 5G at FiberXers sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng duwelo ng Meralco (2-2) at Rain or Shine (1-1) sa alas-5 ng hapon.
PBA Image

MANILA, Philippines — Mabilis na bawi ang nais ng TNT Tropang 5G kontra sa Converge matapos sumemplang sa simula ng Grand Slam bid nito sa 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Magtatagisan ang Tropang 5G at FiberXers sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng duwelo ng Meralco (2-2) at Rain or Shine (1-1) sa alas-5 ng hapon.

May 0-1 kartada ang TNT na bumalentong kontra sa NLEX sa debut nito, 91-74, para sa maalat na simula ng tangkang ikatlong sunod na kampeonato matapos maghari sa Go­vernors’ Cup at Commissioner’s Cup.

Parehong kasama ng Tropang 5G sa dala­wang titulo nito si Rondae Hollis-Jefferson kaya i­ninda ang pagkawala nito sa All-Filipino, na siyang hamon sa kanila at dapat patuna­yang kaya pa ring magwagi.

Upang magawa ito ay kailangang punan ng TNT ang pagkawala din ng batikang guwardiya na si Jayson Castro dahil sa season-ending injury.

Nakahan­dang mamuno sa Tro­pang 5G ang Commissioner’s Cup Finals MVP na si Rey Nambatac ka­sa­ma sina Cal­vin Oftana, Roger Pogoy, Kelly Williams, Glenn Khobuntin at Poy Erram.

Sa kampo naman ng Converge, ikalawang sunod na tagumpay ang hangad nila para maka­angat sa 3-2 card matapos ang 111-80 panalo kontra sa Blackwater. Parehong tangan ng DLSU at FEU ang tig-9-5 karta, pero uupuan ng Lady Spikers ang No. 3 spot dahil sa mataas na tiebreak points, lalanding naman sa pang-apat ang Lady Tamaraws.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with