^

PSN Palaro

Stage 2 inagaw ng standard insurance

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Stage 2 inagaw ng standard insurance
Pumadyak ang Standard Insurance Philippines patungo sa panalo sa 2025 MPTC Tour of Luzon Stage 2 team time trial.
Jesse Bustos

Tour of Luzon: ‘great revival’

VIGAN, Ilocos Sur, Philippines — Sa lahat ng nanalo, si Ronald Oranza ng Standard Insurance Philippines ang nagulat.

Nauna kasing inihayag na ang 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines ang nagwagi sa 68.39-km Paoay-Vigan team time trial Stage 2 ng MPTC Tour of Luzon kahapon dito.

Ngunit nang itama ng organizers ang pagkakamali sa oras ng pagpapakawala sa mga tropa sa finish line ay ang SIP ni Oranza ang lumabas na tunay na nanalo sa itinalang isang oras, 22 minuto at 31 segundo sa eight-stage event na inihahandog ng DuckWorld PH at Cignal.

“Nagulat nga lang din kami na kami pala ang nanalo kasi noong duma­ting kami, second lang yata kami,” anii Oranza sa kanyang tropa na iniwanan ang Go For Gold Philippines at 7-Eleven na parehong nagsumite ng 1:24:39.

“Nawalan pa kami ng isa (rider) kasi napatiran ng kadena sa bandang arko ng Batac,” pagtukoy ng 2023 Southeast Asian Games medalist kay Dave Cangayao. “Sabi ko lang, gradual lang kami para maka-recover. Kung sino ang nasa kondisyon, siya ang mauna.”

Kasama nina Oranza at Cangayao sa SIP team sina Jan Paul Morales, George Oconer, Junrey Navarra at Jeremy Lizardo.

Bagama’t hindi kasama ang Stage 2 sa overall team standings ay tumanggap pa rin ang grupo ni Oranza ng premyong P70,000.

Ang SIP ang bumandera sa team classification sa Stage One sa Paoay, Ilocos Norte sa kanilang inilistang 17:11:37.

“As we leave Paoay, Ilocos Norte, we leave behind beautiful memories of the 2025 Tour of Luzon,” ani DuckWorld PH chairman at organizer Patrick “Pató” Gregorio.

Papadyak nga­yong umaga ang grupo ni Oranza sa 130.33-km Vigan-San Juan Stage 3 na magsisimula sa harap ng provincial capitol at magtatapos sa San Juan Municipal Hall sa La Union.

RONALD ORANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with