Vertigo
Out for at least one month si Beau Belga ng Rain or Shine.
In fact, dehins pa nakakalaro si Belga sa PBA Philippine Cup kung saan kasalukuyan 1-1 ang record ng Rain or Shine.
Dehins injury ang problema ng favorite big man ni coach Yeng Guiao kundi vertigo, isang condition ng matinding pagkahilo oras na sumumpong ito.
Para sa vertigo, akala mo eh umiikot ang mundo mo. Ganun katindi. Umiikot ang paligid mo nasaan ka man.
At bagama’t may mga trigger nito, pwedeng matinding ingay or sobrang crowded na lugar, dehins mo alam kung kelan ito aatake.
Sabi ni Belga, nasa outing siya nung sumumpong ‘yung vertigo niya. Hindi naman daw umikot ang mundo niya pero ang feeling niya, nawala ang balance niya.
Para daw pakanan ang timbang ng balance niya.
Kaya dumiretso si Belga sa emergency room. Doon nalaman na vertigo. Well, okay na din at dehins kung ano pa man.
Kaya under medication ngayon si Belga. And nakatutok sa kanya ang staff ng Rain or Shine. Sabi niya, dahan-dahan na bumabalik ang balance niya.
Nakakaranas pa siya ng konting pagkahilo kapag yumuyuko siya or tumutuwad. Ngayon, medyo mas okay na siya.
Get well soon, brod.
- Latest