Eala swak sa main draw ng Oeiras Ladies Open

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ni Alex Eala ang ratsada nito upang makapasok sa Round-of-16 ng Oeiras Ladies Open na ginaganap sa Jamor Tennis Club sa Oeiras, Portugal.
Naitarak ng 19-anyos Pinay netter ang 6-3, 6-4 panalo laban kay Anouk Koevermans ng Netherlands para masiguro ang tiket sa susunod na round.
Makailang ulit na natigil ang laro dahil sa matinding buhos ng ulan dahilan para masuspinde ito at ipagpaliban na lamang.
Lamang si Eala ng isang set ngunit nakabaon ito sa 2-4 sa second set nang suspendihin anhg laban
Subalit tila nanging blessing in disguise ang pagkakaantala ng laro para makapagpahinga ito.
Sa pagbabalik aksiyon kinabukasan, sariwang sariwa na lumabas ng court si Eala kung saan sunud-sunod nitong pinakawalan ang matatalim na atake para makuha ang panalo.
Ito ang unang panalo ni Eala sa clay court sa season na ito at upang panalo bilang Top 100 player.
Kasalukuyan itong nasa ika-73 sa world rankings ng WTA.
Makakalaban ni Eala sa second round ang mananalo sa pagitan nina qualifier Lian Tran ng Netherlands at Panna Udvardy ng Hungary.
Sunod na sasabak si Eala sa doubles kung saan kapares nito si American Katie Volynets.
- Latest