^

PSN Palaro

Globalport pasok sa US Open quarters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginulantang ng GlobalPort ang newly-crowned US Gold Cup champion Park Place upang masiguro ang silya sa quatrterfinals ng US Open Polo Championships na ginanap sa National Polo Center sa Wellington Florida.

Binanderahan ang tropa ni team owner at sport patron Mikee Romero kung saan nabaon ang Globalport sa 2-5 sa second chukker ng larong pansamantalang nahinto dahil sa ulan.

Naging magandang blessing ang rain break upang makarekober ang Globalport upang maitarak ang come-from-behind win laban sa United Kingdom-based team ni Russian sponsor Andrey Bordain.

Nanguna sa matikas na ratsada ng Globalport si Bartolome Castagnola na nagtala ng limang goals kabilang na ang dalawa sa fourth chukker.

Nakadikit ang GlobalPort sa 6-7 iskor laban sa Park Place.

Solidong depensa ang ginawa ng GlobalPort sa sumunod na round kung saan nagsumite si Castagnola ng goal para maitabla ang laro sa 7-all.

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang Globalport nang kumana sina Beltran Laulhe at Nico Escobar ng tatlong sunod na goals para ibigay sa GlobalPort ang 10-7 kalamangan sa sixth chukker tungo sa panalo.

Dahil sa panalo, tinapos ng GlobalPort ang group stage tangan ang 2-1 rekord.

Una nang tinalo ng GlobalPort ang BTA, 10-7, habang natalo ito sa La Dolfina Tamera, 7-9.

Nakatakda ang quarterfinals sa Sabado kung saan makakaharap ng GlobalPort ang La Dolfina Catamount.

GLOBALPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with