Balayan magiging swimming hub sa Batangas — Buhain

MANILA, Philippines — Kasado na ang pagiging swimming hub ng Balayan, Batangas sa pagtatapos ng Balayan Aquatics Center Phase 2 construction ngayong taon.
Naua nang itinayo ang isang eight-lane Olympic-size pool noong nakaraang taon, habang isang lap at training pool ang gagawin bilang karagdagang mga pasilidad.
“Kailangan natin palakasin ang swimming program natin sa grassroots level at hindi natin matutugunan ito kung walang mga high-standard facilities na magagamit ang ating mga batang swimmers, particular sa ating mga regional areas,” ani Batangas 1st District Rep. at Philippine Aquatics, Inc. (PAI) secretary-general Eric Buhain.
Kasama ang maybahay at dating Congresswoman Eileen Ermita-Buhain, mga local na opisyal at mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highway (DPWH), pinasinayahan ng swimming legend ang groundbreaking ceremony kamakailan.
Ang event ay kasabay ng Congressman Eric Buhain Cup na nilahukan ng mahigit 500 bata mula sa mga inimbitahang paaralan, swimming clubs, at local government units sa Manila at Southern Tagalog region.
- Latest