^

PSN Palaro

Curling palalakasin sa Philippines — Tolentino

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Curling palalakasin sa Philippines — Tolentino
Sina coach Miguel Gutierrez, Alan Beat Frei, Enrico Gabriel Pfister, Jarryd Bello VIII, Curling secretary general Hon Abraham “Bambol” Tolentino, Benjo Delarmente Curling Pilipinas President/Athlete, Marc Angelo Pfister, Christian Patrick Haller at coach Jessica Pfister sa isinagawang press conference sa Knights Templar Hotel sa Tagaytay City.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Umaasa si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino na magtutuluy-tuloy ang pagkilala sa curling bilang isang regular sport sa bansa.

Umani ng atensiyon ang curling matapos masungkit ng Pilipinas ang gintong medalya sa katatapos na 9th Asian Winter Games sa Harbin, China.

Dahil dito, marami ang nagkaroon ng interes sa curling.

Kaya naman hangad ni Tolentino na makakuha ng suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor upang mapalawak ang naturang sport sa Pilipinas.

“After this success, they were noticed. The future is bright for this sport and we will work on that. This sends a message that Filipinos can excel in any sport and in anywhere,” ani Tolentino.

Nakabalik na sa bansa ang Philippine men’s cur­ling team na siyang nagbigay ng kauna-unahang gintong medalya sa Asian Winter Games.

Kabilang sa mga tinalo ng Pinoy squad ang malalakas na koponan sa Asya gaya ng South Korea, Japan at China.

Nagsanib-puwersa sina Marc Pfister, Alan Frei, Christian Haller at Enrico Pfister upang pataubin ang South Korea sa championship round sa iskor na 5-3 upang makuha ang gintong medalya.

Nais din ni Curling Pilipinas president Benjo Delarmente na mas lalo pang lumaganap ang curling sa Pilipinas.

Sinabi ni Delarmente na bagay ang larong ito sa mga Pilipino na gaya ng billiards at bowling ay maaring kagiliwan o ma­ging libangan ng lahat.

Alam ni Delarmente na isang tropical country ang Pilipinas kung saan pangunahing problema rito ang magiging venue dahil sa yelo nilalaro ang curling.

Ngunit maaari itong simulan sa floor curling kung saan hindi na kaila­ngan ng yelo.

Plano rin ng Curling Pilipinas na makatuwang ang ilang mga colleges at universities sa bansa para mapalawak pa ito.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with