McClung NBA ‘3-Peat’ Slam Dunk champion

SAN FRANCISCO — Hinirang si G League star Mac McClung bilang kauna-unahang ‘three-peat’ champion ng Slam Dunk Contest sa 2025 NBA All-Star.
Lumipad ang 6-foot-2 na si McClung sa isang kotse at tatlong tao sa kanyang mga dunks para makakuha ng mga perfect 50-point judges’ scores sa first at final round.
“It’s something I love doing. That’s where my creativity comes is I genuinely love this contest and I love to dunk,” sabi ng point guard ng Orlando Magic G-League development club.
Pinantayan ng 26-anyos na si McClung ang tatlong koronang nakamit ni Nate Robinson na nanalo noong 2006, 2009 at 2010.
Tinalo ni McClung si Stephon Castle ng San Antonio Spurs sa final round habang sibak sa first round sina Matas Buzelis ng Chicago Bulls at Andre Jackson Jr. ng Bucks.
Hinirang naman si Tyler Herro ng Miami Heat bilang bagong Three-Point Shootout king matapos ungusan si Golden State Warriors shooter Buddy Hield, 24-23, sa finals. Bigo si Damian Lillard ng Bucks na maidepensa ang kanyang titulo.
Sa All-Star Skills Challenge, wagi sina Cleveland Cavaliers duo Donovan Mitchell at Evan Mobley kina Draymond Green at Moses Moody ng Warriors.
- Latest