^

PSN Palaro

Meralco malas din sa EASL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sadyang ayaw lubayan ng kamalasan ang mga Bolts.

Nakalasap ang Meralco ng 96-106 double overtime loss sa New Taipei Kings sa kanilang agawan para sa Final Four spot sa East Asia Super League (EASL) Home and Away Sea­son 2 sa University of Taipei.

Nauna nang nasibak ang Bolts ng karibal na Gi­­nebra Gin Kings sa quar­terfi­nals ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Umiskor si import DJ Kennedy ng 21 points para sa Meralco na tumapos na may 2-4 record sa EASL.

Nagdagdag si Chris New­some ng 17 points at humakot si reinforcement Akil Mitchell ng 15 points, 9 rebounds at 8 assists ba­gama’t may iniindang back spasm.

Hinablot naman ng New Taipei ang Final Four berth sa kanilang 4-2 marka.

Pinamunuan ni Asian im­port Saki Sakakini ang Kings sa kanyang 31 points at 12 rebounds at may 24 mar­kers si Austin Daye.

Sumegunda ang New Taipei sa Group B sa li­kod ng top seed Ryukyu Gol­den Kings papasok sa se­mifinals.

Ang Group A ay binu­buo ng No. 1 seed Hiroshi­ma Dragonflies at No. 2 Taoyuan Pilots.

Kinuha ng Bolts ang 8-75 abante sa regulation ba­go ipinasok ni Daye ang panablang tres ng Kings sa huling 14 segundo para sa first overtime.

Dinala ni Jansen Rios ang Meralco sa second overtime, 91-91, matapos iko­­­nekta ang tres bago tu­luyang kapusin at sumuko sa New Taipei.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with