^

PSN Palaro

Philippines curling team lalaban sa medalya

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabante ang Philippine men’s curling team sa medal round matapos ang 10-4 panalo sa World No. 10 Japan sa qualification round ng 9th Asian Winter Games kahapon sa Harbin, China.

Inangkin nina Filipino-Swiss Marc at Enrico Pfister, Alan Frei at Christian Haller ang huling anim na pun­tos para sa pagdaig ng World No. 51 seed sa Ja­panese team.

Kasalukuyang nilalaba­nan ng tropa ni Curling Pi­lipinas president Benjo De­larmente ang No. 17 Chi­na sa semifinals habang isinusulat ito kagabi pa­ra sa tsansa sa gold me­dal round.

Nakapasok ang natio­nal squad sa qualification round matapos magtala ng 3-1 record sa round robin Group A.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tatarget ng me­­dalya ang mga Pinoy sa Asian Winter Games ma­­tapos mabigo ang cur­ling team mixed doubles team nina Marc Pfister at Kathleen Dubberstein sa bronze medal nang yumukod sa China, 5-6.

Tinalo naman ng No. 36 Hong Kong ang No. 35 Kazakhstan, 8-5, para harapin ang No. 7 South Ko­rea sa isa pang semis game.

ASIAN WINTER GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with