^

PSN Palaro

Cignal kakapit sa no. 3 spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cignal kakapit sa no. 3 spot
Si Vanie Gandler ang muling sasandigan ng Cignal HD sa pagsagupa sa ZUS Coffee.
PVL photo

MANILA, Philippines — Palalakasin ng Cignal HD ang kapit sa third spot sa pagsagupa sa ZUS Coffee sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Lalabanan ng HD Spi­kers ang Thunderbelles ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banatan ng Choco Mucho Flying Titans at Nxled Chameleons sa alas-4 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Todo-kapit sa liderato ang nagdedepensang Creamline sa kanilang 9-0 marka sa itaas ng Petro Gazz (8-1), Cignal (6-3), PLDT (6-3), Choco Mucho (6-3), Akari (5-5), Chery Tiggo (5-5), ZUS Coffee (4-5), Farm Fresh (4-6), Galeries Tower (1-8), Capital1 Solar Energy (1-9) at Nxled (1-8).

Ang team standings ay ibinabase sa total points.

Sa tournament format, haharapin ng top teams sa 12-squad tournament ang mga lower-seeded teams sa knockout rounds.

Ang mga mananalo ay papasok sa quarterfinals, habang pag-aagawan ng mga matatalong tropa ang huling dalawang silya sa isang play-in tournament.

Matapos matalo sa Cool Smashers at High Speed Hitters ay buma­ngon ang HD Spikers para talunin ang Solar Spikers, 25-12, 25-15, 25-17.

“Iyon talaga ‘yung kailangan namin, especially ngayon sa status namin,” ani coach Shaq delos Santos.

Nakalasap naman ang ZUS Coffee ng 20-25, 26-24, 26-28, 22-25 kabiguan sa Petro Gazz sa huli nilang laban.

Sina Vanie Gandler, Ishie Lalongisip, Rose Doria-Aquino, Jacqueline Acuña at Judith Abil ang magdadala sa HD Spikers kontra kina Jovelyn Gonzaga, Thea Gagate, Chinnie Arroyo, Mich Gamit, Kate Santiago, Gayle Pascual at Cloanne Mondoñedo ng Thunderbelles.

Sa unang laro, target ng Gazz Angels ang pang-limang sunod na ratsada sa pagharap sa Nxled na asam ang unang back-to-back wins matapos tapusin ang 0-15 losing slump si­mula noong 2024.

Hinataw ng Choco Mucho ang Akari, 21-25, 25-19, 25-23, 25-15, sa huli nilang laro tampok ang 18 points ni Sisi Rondina.

Sumampa naman sa win column ang Nxled matapos ang 25-20, 19-25, 25-14, 25-23 paggupo sa Galeries Tower.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with