Rabe pang-6 sa Harbin games debut
MANILA, Philippines — Minalas si Laetaz Amihan Rabe na makakuha ng medalya sa women’s freeski slopestyle event ng Ninth Asian Winter Games sa Freeski Slopestyle Stadium sa Yabuli, China.
Nakakolekta ang 15-anyos na si Rabe ng 56.50 points sa first run ngunit nakagawa ng isang DNI (Does Not Improve) tag sa kanyang final two runs para mangulelat sa anim na kalahok sa event na dinomina ng tatlong Chinese freestyle skiers.
“I’m still happy with my runs even though it ended at last (place) But I’ve done a lot of progressions and I did my best where I pushed myself which I have never done before,” sabi ng first year senior high sa College André-Chavanne sa Geneva, Switzerland.
Umiskor si Chinese veteran freestyle skier Liu Mengting ng 94.0 points para sa gold medal kasunod ang mga kababayang sina Yang Ruyi (90.50) at Han Linshan (87.00) para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.
Samantala sa Harbin Pingfang District Curling Arena, bigo rin ang Team Philippines sa Kazakhstan, 4-5, sa women’s curling.
Nalasap nina Kathleen Dubberstein, Anne Bonache at Leilani Sumbillo ang ikalawang kabiguan sa apat na laro.
- Latest