^

PSN Palaro

Rosario absent sa Gilas sa Doha tourney

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng hindi ma­ka­­paglaro si Troy Rosario sa Gilas Pi­lipinas sa 2nd In­ternatio­nal Friendly Basketball Championship sa Doha, Qatar sa Pebrero 14 hanggang 16.

ito ay matapos magta­mo si Rosario ng injury sa tuhod sa laro ng Barangay Ginebra at Meralco sa quaterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na siya ring coach ng Ginebra, inoobserbahan pa ang la­gay ng tuhod ni Rosario.

Namaga ang tuhod ni Rosario matapos itong ma­tamaan sa Game 1 at Game 2 ng quarterfinal se­ries ng Gin Kings at Bolts.

Nakapaglaro pa ito sa Game 3 kung saan nagtala si Rosario ng 12 points sa 94-87 panalo ng Gin Kings kontra sa Bolts noong Linggo na nagdala sa kanila sa semifinals.

Posibleng magpahinga si Rosario ng lima hanggang pitong araw para tu­luyang gumaling ang tu­hod nito.

Nakatakdang sumalang sa ensayo ang Gilas Pi­lipinas sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, La­guna bago tumulak sa Doha para sa friendly tournament na lalahukan nito.

Matapos ang Doha event ay babalik ang Gilas Pilipinas sa Maynila bago tumulak naman patungong Taipei, Taiwan para sa laban nito kontra sa Chinese-Taipei sa Pebrero 20.

Sunod na makakalaban ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Pebrero 23 sa Auckland, New Zealand.

TROY ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with