Eldrew tututok sa Asian Championships, World Juniors
MANILA, Philippines — Dalawang malalaking torneo ang paghahandaan ni Karl Eldrew Yulo sa taong ito — ang Asian Gymnastics Junior Championships at ang World Junior Championships.
Desidido si Yulo na makapagbigay ng magandang performance sa dalawang naturang torneo.
Kaya naman puspusan na ang ginagawa nitong training para matiyak na nasa perpektong kundisyon ito bago sumalang sa laban.
“Everyday ako nagte-training kahit wala yung coach ko nagte-train pa rin ako para mas lalo ko pang mahasa yung performance ko,” ani Yulo
Kasalukuyang hawak si Yulo ni Japanese coach Munehiro Kugimiya — ang coach ng nakatatanda nitong kapatid na si Carlos Edriel o mas kilala sa tawag na Caloy.
Si Kugimiya ang humubog kay Caloy na sumungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Ngunit naghiwalay ng landas ang dalawa noong 2023.
Sumailalim sa training camp si Eldrew sa Japan noong Oktubre kung saan marami aniya itong natutunan.
“Maganda naman yung naging training ko sa Japan, marami akong natutunan. May mga areas na nag-improve ako,” ani Eldrew.
- Latest