^

PSN Palaro

Farm Fresh winalis ng PLDT

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Farm Fresh winalis ng PLDT
Binutata ni Erika Santos ng PLDT ang hataw ni Jolina Dela Cruz ng Farm Fresh.
PVL photo

MANILA, Philippines — Nagpaputok si Fil-Canadian Savi Davison ng 26 points mula sa 23 attacks at tatlong blocks para igiya ang PLDT Home Fibr sa 25-20, 25-17, 25-19 demolisyon sa Farm Fresh sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Hinataw ng High Speed Hitters ang back-to-back wins para sa kanilang 6-3 record at solohin ang third place sa team standings.

“Happy kami na nag-deliver naman halos lahat, kahit sinong inikot. Hopefully, madala namin next game, medyo big game iyon,” ani coach Rald Ricafort sa kanyang tropa na sunod na lalabanan ang nagdedepensang Creamline sa Pebrero 15 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagdagdag si Mika Reyes ng 10 markers at may siyam, walo at anim na marka sina Erika Santos, Major Baron at Fiola Ceballos, ayon sa pagkakasunod.

May 11 excellent digs din si Ceballos para sa kanilang floor defense habang may 12 excellent sets si rookie setter Angge Alcantara.

Minalas ang Foxies sa misyong makadalawa at nahulog sa 4-5 marka kung saan wala silang player na nakapagtala ng double digits.

Pinalo ng PLDT ang 2-0 kalamangan bago nalampasan ang atake nina Tubu at Viray at Rachel Anne Daquis sa third set.

Itinabla ng 37-anyos na si Daquis ang Foxies sa 14-14 at huli silang nakalapit sa 19-21 galing sa puntos ni Trisha Tubu.

Matapos ito ay hinataw ng 5-foot-10 na si Davison ang huling apat na puntos ng High Speed Hitters para kumpletuhin ang kanilang dominasyon.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with