Bucks pinatahimik ng Thunder

OKLAHOMA CITY — Kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points sa loob ng 22 minuto para banderahan ang 125-96 pagpapatumba ng Thunder sa Milwaukee Bucks.
Nag-ambag si Ousmane Dieng ng 21 points kasunod ang 18 markers ni Isaiah Joe.
Iniskor ni Gilgeous-Alexander ang kanyang 21 points sa first quarter para ibigay sa Oklahoma City (39-9) ang 39-22 kalamangan sa first quarter patungo sa 96-54 pag-iwan sa Milwaukee (26-22) sa 6:17 minuto ng fourth period.
Naglaro ang Bucks na wala sina injured stars Giannis Antetokounmpo, Damian Lillard, Brook Lopez at Khris Middleton.
Sa Denver, kumolekta si Nikola Jokic ng 27 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-23 triple-double sa season para akayin ang Nuggets (31-19) sa 125-113 panalo sa New Orleans Pelicans (12-38).
Sa Detroit, ipinasok ni guard Trae Young ang isang 23-foot fadeaway sa huling 1.6 segundo para sa 132-130 pagtakas ng Atlanta Hawks (23-27) sa Pistons (25-25).
- Latest