^

PSN Palaro

3rd win itatagay ng Gin Kings vs Eastern

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ang ikatlong kabit na panalo ang hangad ng Barangay Ginebra, habang target ng nagdedepensang San Miguel ang back-to-back wins sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng Gin Kings ang bisitang E­astern team ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang pakikipagtuos ng Beermen sa Blackwater Bossing sa alas-5 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Magkasunod na nila­sing ng Ginebra ang NLEX, 109-100, at ang Phoenix, 94-72, para sa kanilang 2-0 panimula sa torneo.

Wagi rin ang Eastern sa TNT Tropang Giga, 105-84, at Blackwater, 84-75, para solohin ang second spot taglay ang 4-1 baraha.

Depensa ang inaasahang gagamitin ng Gin Kings sa pagsagupa sa Hong Kong squad na mu­ling ipaparada si 6-foot-10 American import Chris McLaughlin.

“Our philosophy is a defensive team first. We will tolerate offensive mistakes but defense is more of effort and knowledge,” ani Ginebra coach Tim Cone.

Sa unang laro, hangad ng San Miguel (2-2) na masundan ang kanilang 106-88 paggupo sa Terrafirma (0-5) sa pagharap sa Blackwater (1-3).

Ang nagbabalik na si coach Leo Austria ang hu­mawak sa SMB na tinapos ang two-game losing skid.

“Masaya kami naka­balik si Paps (Austria) at nakuha namin ang panalo. Sana tuluy-tuloy na,” ani eight-time MVP June Mar Fajardo kay Austria na pumalit kay Jorge Gallent na inilagay bilang team consultant.

NLEX

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with