Wong sa susunod na taon pa makakalaro - Alinsunurin

Deanna Wong of the Choco Mucho Flying Titans
PVL

MANILA, Philippines — Posibleng sa susunod na taon muling makita sa aksyon si fan favorite Deanna Wong ng Choco Mucho sa kanilang kampanya sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Sinabi ni Flying Titans coach Dante Alinsunurin na nagsisimula pa lamang hu­mawak ng bola si Wong sa kanilang mga training sessions.

“Siguro ngayon, nag-start na rin siyang mag-trai­ning ng bola,” wika ni Alinsunurin sa Cebuana setter. “By next year, ma­kikita ninyo na siya.”

Ang kanyang tuhod ang naging problema ni Wong kaya hindi nakakalaro para sa Choco Mucho na umiskor ng pahirapang 25-20, 25-21, 21-25, 25-27, 15-12 panalo sa Farm Fresh noong Huwebes.

Sa patuloy na pagka­wala sa eksena ni Wong ay si Mars Alba ang sumalo sa kanyang naiwang traba­ho.

Naglista si Alba ng average output na 3.92 excellent sets per set para sa Flying Titans na tinapos ang dalawang sunod na ka­malasan sa pagtakas sa Foxies.

“Coming sa dalawang talo namin, gusto naming manalo kasi bago magba­kasyon para iba ‘yung confidence namin pagba­lik next year,” wika ng da­ting De La Salle Lady Spi­kers’ setter.

Umaasa si Alba na ito na ang simula ng pagba­ngon ng Choco Mucho.

“Kulang pa. Kailangan lang trabahuin talaga para sa mga susunod na game, mas handa pa kami sa pu­wedeng mangyari,” dagdag ni Alba.

Sunod na lalabanan ng Flying Titans ang ZUS Coffee Thunderbelles sa Enero 18.

Show comments