Kai pinuri ng mga B.League coaches

MANILA, Philippines — Puring-puri si Gilas Pilipinas standout at Koshi­gaya Alphas slotman Kai Sotto ng ilang coaches sa matikas na laro nito sa 2024-25 Japan B.League.

Hindi lamang mga coa­ches ni Sotto sa Gilas Pi­lipinas ang nakakapuna sa magandang laro nito ma­ging ang ilang mentors nito sa Japan.

Isa na rito si Koshigaya Alphas head coach Ryuzo Anzai sa mga naka-appreciate sa magandang laro ni Sotto.

Personal na nasaksihan ni Anzai ang galawan ni Sotto sa B.League.

Hanga ito sa husay at ga­ling ng 7-foot-3 Pinoy ca­ger mula sa bilis hanggang sa mga dunks nito.

“Kai is an exceptional ath­lete who moves incre­dibly well for his height and tran­sitions seamlessly from fakes to dunks,” ani Anzai.

Kaya naman nais ni An­zai na ma-maximize nang husto ang talento ni Sotto sa mga susunod na laro ng Alphas.

“As a coach, it’s my job to figure out how to fur­ther develop his skills. I want to see him progress to the next level,” dagdag ni Anzai.

Show comments