^

PSN Palaro

TNT sumampa sa win column

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalampasan ng TNT Tropang Giga ang pagba­ngon ng Magnolia mula sa isang 12-point deficit para itakas ang 103-100 panalo sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Sumampa ang Tropang Giga sa win column sa kanilang 1-2 record, habang laglag ang Hotshots sa ikatlong sunod na kamalasan para sa 1-3 marka.

Nagpaputok si Calvin Oftana ng career-high 42 points tampok ang siyam na three-point shots habang may 41 markers si import Rondae Hollis-Jefferson.

“Our only focus for this game is effort,” ani coach Chot Reyes. “That was written in big letters on our board because I was very, very upset with the effort that we showed in the first two games.”

Itinayo ng Tropang Giga ang 12-point advantage, 89-77 sa 7:52 minuto ng fourth quarter mula sa fastbreak dunk ni Hollis-Jefferson bago nakalapit ang Hotshots sa 88-91 sa 3:55 minuto nito.

Ang magkasunod na triples nina Roger Pogoy at Oftana ang muling nag­layo sa TNT sa 97-88 kasunod ang dalawang free throws ni Hollis-Jefferson para sa kanilang 99-88 kalamangan sa huling 1:46 minuto.

Isinalpak ni Oftana ang kanyang pang-siyam na tres sa nalalabing 1:20 minuto para ibaon ang Magnolia sa 102-90.

Nauna nang inilista ng Tropang Giga ang 81-70 abante sa huling 1:26 minuto ng third canto, habang nakadikit ang Hotshots sa pagsasara nito, 75-83.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with