Biado sokpa sa Round 3 ng Hanoi Open
MANILA, Philippines — Sokpa si two-time WPA World Championship king Carlo Biado sa Round 3 ng winners qualification sa 2024 Hanoi Open Pool Championship kahapon sa Hanoi Indoor Games Gymnasium sa Vietnam.
Tumumbok si Biado ng dalawang sunod na panalo sa rounds 1 at 2 kontra kina Chinese Taipei bets Wang Chih-Yung, 9-4 at Sun Yi Hsuan, 9-6, ayon sa pagkakasunod.
Sunod na lalabanan ng 40-anyos na si Biado si Salvador Garcia ng Spain.
Ang iba pang Pinoy cue artists na nakausad sa winner’s side ay sina World Cup of Pool ruler Johann “Bubwit” Chua, Jerson Cumayos, Michael Feliciano, Jaycee Cordova Garcia, Michael Baoanan, Harry Vergara, James Aranas at Jefrey Roda.
Sariwa pa si Biado sa pagkopo sa titulo ng World Pool-Billiard Association Ho Chi Minh 9-Ball Open sa noong Setyembre.
Hinamig ni Biado ang premyong $40,000 (halos P2.2 milyon) pero inamin niya na pagkatapos ng torneo ay napagod siya dahil matitikas na mga nakalaban.
- Latest