^

PSN Palaro

Gymnastics, pickleball sa TOPS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang mga pinakabagong balita sa gymnastics at pickleball ang pag-uusapan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa PSC Confe­ren­ce Room sa Manila.

Tatalakayin ni coach Normita ‘Boots’ Ty ng PGAA STY Gymnastics ang kanilang paghahanda para sa darating na 9th STY international Gymnastics Cup sa Oktubre 18 hanggang 20 sa Muntinlupa Sports Complex.

Makakasama niya sa pang alas-10:30 ng umagang sesyon sina gymnast Avielle Caballes, ang gold medalist sa 2024 Palarong Pambansa sa Cebu City, at Youth and Sports Development Organization (YASDO) head Cynthia Viacrusis ng Muntinlupa.

Ikukuwento naman ni Bien Zoleta ang paglahok niya sa nakaraang World Pickleball championships.

Nakamit ng 26-anyos na SEA Games champion ang dalawang gold medals sa world meet ng pinakabagong kinahihiligang sports ng mga Pilipino.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo Merana, sports editor ng Pilipino Star Ngayon, ang mga opis­yales at mi­yembro pati ang mga sports enthu­siasts na makiisa sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Mapapanood ang ses­yon via livestream sa TOPS Usapang Sports officials facebook page, Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pi­noy Ako (PIKO)—ang pinakabagong network mobile apps na libre.

vuukle comment

INC.

TABLOIDS ORGANIZATION IN PHILIPPINE SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with