^

PSN Palaro

Yulo lilipat na sa condo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Yulo lilipat na sa condo
Nag-upload ang Megaworld Corporation sa social media ng ilang litrato ng three-bedroom condo unit na kanilang iginawad kay two-time Olympic Games gold medalist Carlos Yulo.
Facebook/Megaworld Corporation

MANILA, Philippines — Mula sa isang maliit na bahay sa Barangay 711 sa Leveriza, Manila hanggang sa isang three-bedroom, fully-furnished unit sa McKinley Hills sa Taguig City.

Ito na ang magiging ta­hanan ni 2024 Paris Olympic Games double-gold medalist Carlos Edriel Yulo simula ngayon.

Ibinahagi sa social media ng Megaworld Corporation ang ilang litrato ng nasabing ibinigay nilang condo unit kay Yulo na nagkakahalaga ng P32 milyon.

“The 100-square meter condo unit is fully-furnished and designed with home appliances such as refri­gerator, microwave oven, four-burner cooktop with oven, washing and drying machines, four smart televisions, and even a game console, which Carlos can enjoy even with his friends and family during free time. Two balconies that can be accessed both in the living room and the master’s bedroom offer views of the township and the rest of the property,” sabi ng real estate giant.

Tampok sa naturang condo unit ng 24-anyos na gymnast ang isang 2024 Paris Olympics gold medal-inspired coffee table.

“Among the standout pieces that adorn the living room is a custom-made nesting coffee table that bears a replica of the gold medal at the Paris Olympic Games. The unit also comes with its own maid’s room with toilet and bath, and its own parking slot,” dagdag pa ng Megaworld Corporation na bibigyan din si Yulo ng bonus na P3 milyon.

Sa courtesy call kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Malacañang noong Martes ng gabi ay binigyan si Yulo ng P20 million bonus.

Bukod pa ito sa tatanggapin niyang P20 milyon base sa Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act kung saan ang isang Olympic gold ay may katumbas na P10 milyong insentibo.

Inaasahang aabot sa P100 milyon ang makukuhang incentives at bonus ni Yulo mula sa kanyang h­inablot na makasaysa­yang dalawang Olympic gold medals ng Pilipinas.

May pangako ring P6 milyon ang House of Re­presentatives bukod sa P3 milyon ng Chooks To Go at isang house and lot sa tagaytay City mula kay Phi­lippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Marami pang biyayang natanggap at matatanggap ang Pinoy gymnast dahil sa kanyang pagta-tumbling sa edad na pitong taon sa kalsada ng Barangay 711 sa Leveriza hanggang sa pagkopo sa dalawang ginto sa floor exercise at vault sa Bercy Arena sa 2024 Paris Olympics.

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with