Akari lalapit sa No. 1 spot sa q’finals
MANILA, Philippines — Lalapit ang Akari sa No. 1 spot sa knockout quarterfinals sa pagharap sa Nxled sa crossover second round ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sasagupain ng Chargers ang Chameleons ngayong alas-3 ng hapon matapos ang banggaan ng Capital1 Solar Spikers at Farm Fresh Foxies sa ala-1 ng hapon
Sasalang sa alas-5 ng hapon ang Cignal HD Spikers at Galeries Tower Highrisers.
Bumabandera ang Akari sa Pool D sa kanilang 6-0 record kasunod ang quarterfinalist ding Cignal (5-1), Capital1 (4-2), Farm Fresh (2-4), Nxled (1-5) at Galeries Tower (0-6).
Nagmula ang Chargers sa pahirapang 23-25, 25-15, 25-16, 22-25, 18-16 pag-eskapo sa Highrisers, habang nakalasap ang Chameleons ng 25-20, 25-20, 16-25, 19-25, 6-15 kabiguan sa Solar Spikers kung saan hinataw ni Russian import Marina Tushova ang bagong PVL all-time single-game scoring record na 49 points.
“Let’s remember that just because we’re in first place, that doesn’t mean anything because other teams will be hungry to beat us,” ani American import Oly Okaro sa Akari. “So, let’s not get complacent, let’s not get too relaxed.”
Muling makakatuwang ni Okaro sina Ivy Lacsina, Grethcel Soltones, Camille Victoria at Ezra Madrigal katapat sina American import Meegan Hart, Lycha Ebon, Krich Macaslang, Jho Maraguinot at Chiara Permentilla ng Nxled.
Samantala, pagagandahin ng HD Spikers ang kanilang estado sa pagharap sa Highrisers, habang target ng Solar Spikers ang quarterfinals berth sa Farm Fresh.
- Latest