Tiongson isinalba ang Dyip

Juami Tiongson (3) sank the game-winner for Terrafirma.
PBA Images

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Juami Tiongson ang game-winning three-point shot sa huling 12 segundo para sa 92-91 pag-eskapo ng Terrafirma sa Blackwater sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Kinumpleto ng Dyip ang pagbangon mula sa 19-point deficit sa third p­eriod para pigilin ang kanilang two-game losing slide para sa 3-2 marka kagaya ng Bossing.

Tumapos si Tiongson na may 20 points, 6 rebounds at 3 assists at may 21 points  si top overall pick Stephen Holt.

“Akala ko talaga down by there kami that’s I was going for the three-point shot, and then when I made the shot, I was ce­lebrating a bit and then my teammates were running towards me,” ani Tiongson.

Inilista ng Blackwater ang 59-40 abante sa 10:35 minuto ng third quarter bago humataw ang Terrafirma ng 35 points sa third period patungo sa pag-agaw sa panalo.

Show comments