Pacers pinigilan ang Thunder

Myles Turner of the Indiana Pacers.
Stacy Revere / Getty Images / AFP

OKLAHOMA CITY — Bumanat si center Myles Turner ng 24 points at naglista si star point guard Tyrese Halibur­ton ng 18 points at 12 assists sa 121-111 paggupo ng Indiana Pa­cers sa Thunder.

Humakot si forward Pas­cal Siakam ng 18 points at 11 rebounds para sa Indiana (37-39) na tinapos ang three-game winning streak ng Oklahoma City (45-20).

Inihulog ng Pacers ang Thunder sa pagtabla sa nag­dedepensang Denver Nuggets sa top spot ng Western Conference standings.

Kumamada si star guard Shai Gilgeous-Ale­xander ng 30 points at 10 rebounds para sa OKC, habang may 18 at 15 mar­kers sina Lu Dort at Chet Holmgren, ayon sa pagka­ka­sunod.

Ipinoste ng Indiana ang 16-point lead, 56-40, sa halftime patungo sa pagta­tala ng 115-109 bentahe sa huling 45.6 segundo sa fourth quarter.

Sa New York, nagsu­mite si guard Josh Hart ng tri­ple-double na 20 points, 19 rebounds at 10 assists sa 106-79 pagmasaker ng Knicks (38-27) sa Joel Embiid-less Philadelphia 76ers (36-29).

Sa Los Angeles, humataw si Anthony Edwards ng 37 points at nag-ambag si Nickeil Alexander-Walker ng season-high 28 markers sa 118-100 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (45-21) sa Clippers (41-23).

Sa Salt Lake City, umiskor si forward Jayson Tatum ng 38 points, habang may 24 markers si point guard Derrick White sa 123-107 panalo ng Boston Ce­tics (51-14) sa Utah Jazz (28-37).

Sa Sacramento, bumira si playmaker De’Aaron Fox ng 29 points sa 129-94 paggupo ng Kings Kings (37-27) sa Milwaukee Bucks (42-24).

Sa Memphis, nagtala si Trey Jemison ng career-high 24 points sa 109-97 pag­papatumba ng Grizzlies (23-43) sa Washington Wi­zards (11-54).

Sa San Antonio, tumapos si point guard Fred Van­Vleet na may 21 points sa 103-101 paglusot ng Houston Rockets (30-35) sa Spurs (14-52).

Show comments