^

PSN Palaro

Williams aakayin ang Pistons; Nurse hahawakan ang 76ers

Pilipino Star Ngayon

DETROIT - Hihirangin ng Pistons si dating Phoenix Suns’ mentor Monty Williams bilang bago nilang head coach.

Nagkasundo si Williams at ang Detroit team sa isang six-year contract.

Hindi pa nananalo ang Pistons ng isang playoff se­ries sapul noong 2008 at dalawang beses lamang umabot ng post-season si­mula noong 2009.

Papalitan ni Williams sa bench ng Detroit si Dwane Casey na bumaba sa puwesto noong Abril.

Si Williams, hinawakan ang New Orleans Hornets noong 2010-2015, ay sinibak ng Phoenix matapos ang apat na seasons.

Iginiya niya ang Suns sa 2021 NBA Finals bago na­patalsik sa second round ng playoffs sa nakalipas na dalawang seasons.

Sa kanyang siyam na seasons bilang isang NBA head coach, nagposte si Williams ng 367-336 win-loss record.

Tutulungan ni Williams, ang 2022 NBA Coach of the Year, ang Pistons na ma­kabangon mula sa league-worst record na 17-65.

Samantala, ipaparada ng Philadelphia 76ers si Nick Nurse kapalit ni coach Doc Rivers.

Inihatid ng 55-anyso na si Nurse ang Toronto Raptors sa 2019 NBA crown tampok sina Kawhi Leo­nard, Pascal Siakam at Kyle Lowry.

Sa kanyang pagdating sa bakuran ng 76ers ay hahawakan niya sina NBA MVP Joel Embiid at James Harden.

PISTONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with