^

PSN Palaro

LA Tenorio ng Brgy. Ginebra may colon cancer, nag-sorry sa PBA fans

Pilipino Star Ngayon
LA Tenorio ng Brgy. Ginebra may colon cancer, nag-sorry sa PBA fans
L.A. Tenorio
PBA Images

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng basketball star na si LA Tenorio na na-diagnose siya na may stage 3 colon cancer, ngunit nangako siyang babalik pa siya sa PBA kung saan inilaan niya ang 17 taon ng kanyang buhay.

Sa pahayag na inilathala sa opisyal na website ng liga, Martes, ibinahagi ng manlalaro ng Barangay Ginebra ang estado ng kanyang kalusugan na siyang naging dahilan ng kanyang absence sa mga laro.

"I was recently diagnosed with Stage 3 colon cancer. The initial testing three weeks ago led me to instantly miss practices and games," sabi niya sa isang statement kanina.

"I have completed my surgery last week and will soon undergo treatment for the next few months."

Humingi rin siya ng tawad sa kanyang mga kakoponan, coaches, PBA, sa media at fans. Sa pagkakaalam kasi nang marami, humaharap siya sa isang minor injury simula pa noong Finals nitong Enero.

'Yun daw ang ginamit niyang dahilan noon para sa biglaang pagkawala kung kaya't humihingi siya ng sorry.

Minabuti na raw niyang hindi na ito itago upang maiwasan ang mga tsismis, pekeng impormasyon at misinterpretation. Mahirap din daw itong ikubli lalo na't kakabit ng trabaho niya ang kalusugan.

"Sadly, there are things beyond one's control. But with my FAITH, I am lifting everything to God now and I believe there is a higher purpose as I go through this part of my life," patuloy pa niya.

"I am not yet retiring from the game I love, and with the help of the best doctors in the Philippines and Singapore, I BELIEVE i can touch a basketball once more and return stronger."

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng umaakay sa kanya sa gitna ng pinagdaraanan, lalo na ang kanyang pamilya, team manager ng Ginebra na si Alfrancis Chua at ang kanyang San Miguel family.

Bukod sa dasal, hinihingi niya ngayon ang respeto ng publiko para sa kanyang pamilya upang mapagdaanan nang pribado ang kanilang pasanin.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with