ORLANDO, Fla. — Isinulat ni Saddiq Bey ang kanyang pangalan sa Detroit Pistons history.
Nagpasabog si Bey ng career-high na 51 points para pamunuan ang Pistons sa 134-120 pagpapayukod sa Magic at tapusin ang kanilang four-game losing slump.
Sa edad na 22-anyos, si Bey ang pinakabatang player na nagposte ng 50-point game sa Pistons history.
“I didn’t come into the game saying this is what I’m going to do, but you catch a rhythm and you get in a zone,” sabi ni Bey. “My teammates did a great job of finding me and just encouraging me to stay aggressive.”
Dinuplika ni Bey ang franchise record na 10 three-pointers ng talsik nang Detroit (19-51) kasunod ang sibak na ring Orlando (18-53) sa Eastern Conference.
Ang 51 points ni Bey ang pang-walong 50-point game ngayong Marso na pinakamarami sa isang calendar month sa nakalipas na 50 seasons, ayon sa ESPN Stats & Information research.
May siyam na 50-point games noong Disyembre ng 1962.
Tumipa si Marvin Bagley III ng 20 points at 11 rebounds para sa Pistons.