Aces hihirit ng panalo sa NLEX

Jeron Teng registered 18.5 points on 55% shooting clip aside from grabbing 5.0 rebounds, and dishing 2.5 assists on top of 1.5 steals in Alaska’s back-to-back wins over Rain or Shine and Terrafirma. PBA Images
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hangad ng inspiradong Alaska na maituloy sa apat ang arangkada sa kanilang farewell conference habang mag-uunahan ang San Miguel at Phoenix sa pagsosyo sa No. 4 spot.

Lalabanan ng Aces ang Road Warriors ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang upakan ng Beermen at Fuel Masters sa alas-6 ng gabi sa PBA Governors’ Cup sa Ynares Center, Antipolo City.

Humataw si guard Jeron Teng ng career-high 30 points sa come-from-behind 102-97 win ng Alaska sa Terrafirma noong Sabado para ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pitong laro.

Pinadapa naman ng Road Warriors ang Blackwater Bossing, 117-97, noong Biyernes para itaas ang kanilang 5-3 baraha.

“They have a pheno­menal import with very good local support. They’re always a tough opponent,” ani Alaska coach Jeff C­ariaso kay NLEX import KJ McDaniels.

Si reinforcement Ola Ashaolu ang inaasahang dedepensa at magpapatahimik kay McDaniels.

Sa ikalawang laro, target ng San Miguel ang kanilang ikalawang sunod na ratsada sa pakikipagtuos sa Phoenix.

Magkatabla ang San Miguel at Phoenix sa No. 5 sa magkatulad nilang 4-3 marka at parehong magpapalakas ng kanilang mga pag-asa sa quarterfinals.

Kinuha ng Beermen ang five-year NBA veteran na si Shabazz Muhammad para palitan si Orlando Johnson na tumipa ng 31 points, 10 rebounds at 8 assists sa kanilang 110-102 pagbasag sa nagdedepensang Ginebra Gin Kings noong Linggo.

Show comments