Tuloy MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy ang pagdaraos ng Ilocos Sur pro boxing, professional muay thai at mixed martial arts tournament bukas sa Elorde Boxing Gym sa Quirino Stadium Bantay, Ilocos Sur.
Ang tatlong events ay inorganisa ng Gov. Ryan Sports, Elorde Boxing Stable Promotions at ng probinsya ng Ilocos Sur.
Pamumunuan ang bakbakan nina Al Toyogon at Joe Tejones ang kabuuang 12 boxing bouts.
“Mahigpit po naming ipinatutupad ang health protocols dito sa probinsya ng Ilocos Sur sa pangunguna ni Gov. Ryan Singson,” sabi ni Ilocos Sur Provincial Sports Coordinator Marius Cabudol.
Magsusuntukan din sina Jules Victoriano vs Dave Barlas; Ranelio Duizo vs Philip Cuerdo; Melvin Mananquil vs Reymark Alicaba; Aljun Peliseo vs Fernan Agencia; Bryan Tamayo vs Ardel Romasasa; Gary Tamayo vs Jeffrey Francisco; Jover Amistoso vs Justine Polido; Jonniel Laurente vs Jufel Salina; Elmar Zamora vs Carl Jeffrey Basil; Alexander Almacen vs Benson Awidan; Ali Canega vs Menard Abila; at Jhay Ar Jr Corotan vs Josaphat Navarro.
Sasalang naman sa muay thai at mixed martial arts tournament sina Adrian Jay Batoto at Mark Joseph Abrillo gayundin sina Florivic Montero at Mary Glyde Elizabeth (MMA, 49kg); Richard Lachica vs Daryl Mayormita (MMA, 63kg.); at Rosemarie Recto vs Gretel Depaz (muay thai, 130lbs).
Ang event ay suportado ng Kawadan, RLVS, Fairtex at Lightwater.