Spurs binuhat ni Murray sa panalo

Ito ang reaksyon ni Spurs guard Dejounte Murray matapos maka-shoot laban sa Bucks.

MILWAUKEE — Umiskor si Dejounte Murray ng 23 points para igiya ang San Antonio Spurs sa 102-93 pagsapaw sa nagdedepensang Bucks at tapusin ang kanilang  four-game losing skid.

Nag-ambag si Derrick White ng 17 points at may 16 markers si Bryn Forbes para sa San Antonio (2-4).

Binanderahan ni Gian­nis Antetokounmpo ang Milwaukee (3-3) sa kanyang 28 points at 13 rebounds habang may 19 markers si Khris Middleton.

Ang triple ni Keldon Johnson ang nagbigay sa Spurs ng 92-85 abante sa 2:22 minuto ng fourth quarter at bumida naman ni Murray para iwanan ang Bucks sa 97-87 sa huling 1:12 minuto nito.

Sa Memphis, humataw si Jimmy Butler ng 27 points kasunod ang 22 markers ni Tyler Herro sa 129-103 pagdomina ng Miami Heat (5-1) sa Grizzlies (3-3).

Sa Chicago, nagtala si DeMar DeRozan ng season-high 32 points at may 26 markers si Zach LaVine para pamunuan ang Bulls (5-10) sa 107-99 paggupo sa Utah Jazz (4-1).

Tumipa si Donovan Mitchell ng 30 points sa panig ng Jazz at kumolekta si Rudy Gobert ng 17 points at 19 rebounds.

Sa San Francisco, nag­lista si Stephen Curry ng 20 points at humakot si Draymond Green ng 14 points, 11 rebounds at 8 assists sa 103-82 pagbugbog ng Golden State Warriors (5-1) sa Oklahoma City Thunder (1-5).

Sa iba pang laro, tina­kasan ng Washington Wizards ang Boston Cel­tics sa overtime, 115-112; wagi ang Detroit Pistons sa Orlando Magic, 1101-03; tinalo ng New York Knicks ang New Orleans Pelicans, 123-117; pinadapa ng Toronto Raptors ang Indiana Pacers, 97-94; giniba ng Philadelphia 76ers ang Atlanta Hawks, 122-94 at umeskapo ang Denver Nuggets sa Minnesota Timberwolves, 93-91.

Show comments