AIBA planong maghigpit sa pro boxers

Sa mga susunod na Olympics

MANILA, Philippines — Maghihigpit ang International Boxing Association (AIBA) sa mga professional boxers sa mga susunod na edisyon ng Olympic Games.

Ito ang inihayag ni Umar Kremlev na bagong talagang AIBA president kung saan nais nitong limitahan ang mga pro boxers sa Olympics.

Ilan sa mga plano nitong ipatupad ang restriksiyon sa mga boksingerong maa­aring lumahok sa Olympics.

Kailangan aniyang li­mitado lang ang bilang ng laban nito sa professional boxing para pahintulutang makalaro sa Olympics.

“Currently, professional boxers are allowed to participate in Olympic boxing competitions, and these athletes must have a li­mited number of fights in the professional ring,” ani Kremlev sa panayam ng Boxing News.

Wala pang desisyon ang AIBA kung ilang fights ang magiging quota upang payagan na magpartisipa ang isang boxer.

Layunin ng AIBA na magkaroon ng patas na laban dahil karamihan sa mga nasa Olympics ay nasa amateur level lamang.

“But after a certain p­eriod of time, a specific choice needs to be made as Olympic and professio­nal boxing differ significantly. Olympic boxing often becomes a springboard to a great professional career,” ani Kremlev.

Pupulungin ni Kremlev ang lahat ng miyembro ng AIBA upang magkaroon ng konsultasyon sa planong ito.

“So, to answer this question on a global boxing scale, I am planning to hold consultations and discussions with representatives of National Federations that are AIBA members,” ani Kremlev.

Sinimulan ang pagpapalaro sa mga pro boxers noong 2016 edisyon ng Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Sa unang pagkaka­taon, magpapadala ang Pilipinas ng pro boxer sa ngalan ni Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial na kamakailan lamang ay nagkaroon ng engrandeng debut sa pro.

Show comments