Bagitong tankers labu-labo sa 149th PSL Series Coseteng Cup

Sen. Nikki Coseteng

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang pinakamahuhusay na bagitong tankers mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa gaganaping 149th Philippine Swimming League (PSL) National Series – Sen. Nikki Coseteng Swimming Meet na idaraos Nobyembre 24 sa Diliman Preparatory School sa Quezon City.

Asahan ang pukpukang labanan dahil nakataya ang slots para sa ilang international tournaments sa Amerika, Thailand, United Arab Emirates, Singapore, Japan at Canada.

“This competition is open to all. We are not requiring a membership just to be part of the team for our international competitions. As long as you meet the standards and you are willing to represent our country, you are in,” ani PSL President Susan Papa.

Nakalaan ang medalya para sa mga magwawaging swimmers sa bawat kategorya habang gagawaran din ng Most Outstanding Swimmer awards ang mga nangunguna sa kani-kanilang age band.

Maliban sa pambato ng National Capital Region, darayo rin ang mga koponan mula sa Cebu, Iloilo, Bacolod at Capiz gayundin ang mga teams mula sa Cavite, Davao, Baguio, Laguna, Pampanga, Quezon at Mindoro.

Ilan sa mga nagkumpirma ng partisipasyon sina Marc Bryan Dula ng Susan Papa Swim Academy at Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary-Parañaque na galing sa matagumpay na kampanya sa Tokyo Invitational Swimming Championship sa Japan.

“We have a lot of talents in this country and we are looking to discover more young tankers for future international competitions,” dagdag ni Papa.

Show comments