Pacalso sa PSC: IP Games ipagpatuloy

“Maganda itong ginagawa ng PSC dahil parang namumulat na rin kami na bakit ba hindi tayo magdaos ng mga IP games,” sabi ni Pacalso.
benguet.gov.ph

BENGUET , Philippines  —   Umaasa si Benguet Governor Crescencio Pacalso na maipagpapatuloy ng Philippine Sports Commission ang pagdaraos ng Indigenous Peoples Games sa mga susunod pang taon.

Ito ay para muling maipakilala sa bagong henerasyon ang mayamang kultura ng iba't ibang tribu sa buong Pilipinas.

“Maganda itong ginagawa ng PSC dahil parang namumulat na rin kami na bakit ba hindi tayo magdaos ng mga IP games,” sabi ni Pacalso.

Humigit-kumulang sa 500 partisipante ang sasabak sa nasabing three-day event na sisimulan ngayon at matatapos sa Lunes sa Kapangan, Benguet.

Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Charles Raymond A. Maxey, nangangasiwa sa IP Games project, na ang nasabing ikaapat na yugto ng IP Games ang may pinakamaraming lahok.

Ang mga traditional sports at games na lalaruin ay ang pakwel, sidking aparador, sidking bado, patintero, tiklaw, prisoner’s base, palsi-it, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, sungka at dama. (RC)

Show comments