Knights pupuntiryahin ang final four ticket

Makakasagupa ng Knights ang Stags nga­yong alas-2 ng hapon na su­sundan ng duwelo ng Uni­versity of Perpetual Help System Dalta at Emilio Aguinaldo College sa alas-4.
businessworld

MANILA, Philippines — Puntirya ng Colegio de San Juan de Letran na ma­ipormalisa ang pag-entra sa Final Four sa pagharap sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 94 men’s basketball tour­nament sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Knights ang Stags nga­yong alas-2 ng hapon na su­sundan ng duwelo ng Uni­versity of Perpetual Help System Dalta at Emilio Aguinaldo College sa alas-4.

Nakahirit ng playoff para sa semis spot ang Letran ma­tapos gulantangin ang Ly­ceum of the Philippines, 80-79, noong Biyernes.

Ang panalo ang nagdala sa Knights sa 11-4 rekord para manatiling buhay ang pag-asa sa ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Kailangan lang matalo ang nagdedepensang San Beda University (14-1) at Lyceum (14-2) sa kanilang mga susunod na laro para higit pang lumakas ang tsan­sa ng Letran sa semis incentive.

Aasahan ni Letran head coach Jeff Napa ang bete­ranong sina Bong Quinto at JP Calvo at si transferee big man Larry Muyang na ku­mayod nang husto sa ka­nilang huling laro.

Sibak na ang San Sebastian hawak ang 4-11 marka.

Ngunit inaasahang ib­u­buhos ng Stags ang la­hat para mabigyan ng engrandeng pagtatapos ang kanilang kampanya.

Sa kabilang banda, target ng Perpetual Help na ma­kahirit ng playoff para sa Final Four berth.

Nasa No. 4 spot ang Altas hawak ang 10-5 ba­raha

Galing ang bataan ni Per­petual Help mentor Frankie Lim sa 85-77 overtime win kontra sa San Sebastian noong Huwebes.

Kukuha ng lakas ang Altas kina Nigerian center Prince Eze, Edgar Charcos at AJ Coronel na pangunahing gumagawa ng puntos sa Las Piñas-based squad.

Kagaya ng San Sebastian, nais din ng Emi­lio Aguinaldo (4-12) na magka­roon ng magandang pagtatapos.

Show comments