MANILA, Philippines — Ginulantang ng Colegio de San Juan de Letran ang Lyceum of the Philippines sa bisa ng 80-79 desisyon para makadikit sa Final Four slot sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Matikas ang laro ni Larry Muyang na may impresibong 23 puntos, 16 rebounds at apat na blocks habang halimaw din si Bong Quinto na nagdagdag naman ng 20 markers, pitong boards at apat na assists gayundin si JP Calvo na umariba ng 18 points para buhatin ang Knights sa 11-4 baraha.
Nahulog sa ikalawang puwesto ang Lyceum tangan ang 14-2 kartada habang naiwan sa tuktok ng standings ang nagdedepensang San Beda University na may 14-1 marka.
Lamang ang Letran (77-80) nang ibato ni Lyceum ace Jaycee Marcelino ang isang three-point attempt sa huling 20 segundo para sana dalhin ang laro sa extra period.
Ngunit nang matapos ang review, two-point shot lamang ang ibinigay ng mga referees dahilan upang tuluyang ibigay sa Letran ang panalo.
Namayani naman ang Arellano University sa Jose Rizal University, 86-70 para mapaganda ang record nito sa 5-10.
“It’s time to show that we have moved on from the resignation of coach Jerry (Codiñera). Maybe that’s the reason why my teammates lost their confidence because we lost a father. Fortunately, coach Junjie arrived to help us,” ani Dela Cruz.
Nasandalan naman ng Mapua University sina Noah Lugo at Laurenz Victoria para igupo ang Emilio Aguinaldo College (EAC), 80-67 at sumulong sa 5-11.