Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8 a.m. San Sebastian
vs Jose Rizal U (Jrs)
10 a.m. EAC
vs Mapua (Jrs)
12 nn. San Sebastian
vs Jose Rizal U (Srs)
2 p.m. EAC vs Mapua (Srs)
4 p.m. Perpetual Help
vs Letran (Srs)
6 p.m. Perpetual Help
vs Letran (Jrs)
MANILA, Philippines - Magpupursigi ang Letran Knights na umiwas sa pagdaan sa playoff sa pagharap laban sa Perpetual Help Altas sa tampok na laro sa pagtatapos ng 91st NCAA men’s basketball elimination round ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Magsisimula ang aksyon dakong alas-4 ng hapon at nais ng Knights na saluhan ang San Beda Red Lions sa itaas ng standings at hawak ang mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four.
Galing ang tropa ni coach Aldin Ayo mula sa 73-77 pagkatalo sa Red Lions noong Martes at kung mabigo sila ay may posibilidad na sumalang pa sila sa knockout game para madetermina ang kukumpleto sa huling tatlong puwesto sa semifinals.
Ang Jose Rizal University Heavy Bombers ay haharap sa San Sebastian sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang host Mapua Cardinals ay makikipagpalitan ng buslo sa Emilio Aguinaldo College Generals dakong alas-2 ng hapon at kapwa nangangailangan ng panalo para magpatuloy ang paghahabol na makaiwas sa maagang bakasyon.
May magkakatulad na 11-6 baraha ang Altas, Heavy Bombers at Cardinals kaya’t sakaling sila ay manalo, magkakaroon ng 5-way tie, kasama ang pahingang Arellano Chiefs, sa ikalawa hanggang ikaanim na puwesto sa 12-6 marka.
Kapag nangyari ito ay ira-rank ang mga magkakatablang koponan bago isagawa ang step-ladder playoffs para madetermina ang makakasama ng San Beda sa semifinals.
“We want to make the Final Four without any complications so expect us to be in our top form,” wika ni Ayo.