Roach masaya sa paggaling ng kanang balikat ni Pacquiao

MANILA, Philippines – Nakausap na ni chief trai­ner Freddie Roach si Manny Pacquiao at ipina­alam ng Filipino world eight-division champion ang kon­disyon ng kanyang ka­nang balikat.

Ipinagyabang ni Pacquiao kay Roach ang kanyang paglangoy at pagla­laro ng basketball.

“He tells me it feels better, he went swimming the other day, he’s playing a little basketball so he says it’s coming along fine,” wika ni Roach. “But it won’t be a while until he’s in the ring again, three to six months.”

Nauna nang nadisma­ya si Bob Arum ng Top Rank Promotions dahil sa hindi pagsipot ni Pacquiao sa kanyang follow-up check up kay surgeon Neal ElAttrache sa Kerlan-Jobe Orthopaedic Clinic sa Los Angeles noong Hulyo 4.

Inoperahan si Pacquiao sa kanang balikat noong Mayo 7 matapos ang kanyang unanimous decision loss kay Floyd Maywea­ther, Jr. sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Wala pang opisyal na pa­hayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions kaugnay sa susunod na lalaba­nan ni Pacquiao sa 2016.

Ilan sa mga pangalang lu­militaw ay sina British star Amir Khan at Mexican-Ame­rican Danny Garcia.

Gusto ni Roach na laba­nan ni ‘Pacman’ si Garcia, ang WBA at WBC light wel­ter­weight king. (RC)

Show comments