LAPU-LAPU CITY, Philippines – Pinamunuan nina Tara Borlain at Juan Francisco Baniqued ang mga nanalo sa record-breaking na Alaska IronKids Triathlon II sa Mactan’s Shangri-la Hotel and Resort.
Ipinagpatuloy nina Borlain at Baniqued, nanalo sa unang tatlong karera ng Alaska IronKids series ngayong taon, ang kanilang pananalasa sa 11-12 play ng event na nagtampok sa all-time high na 189 partisipante.
Nagtala si Borlain ng bilis na 34:24.0 sa 300-meter, swim-9K at bike-2K run race para ungusan sina Catherine Angeli Yu (35.54.1) at Raven Faith Alcoseba (37.07.8) at kumpletuhin ang kanyang ratsada sa 2015 IronKids’ triathlon at aquathlon events.
Nanaig si Borlain sa kanyang bracket noong 2012.
Nagsumite naman si Baniqued ng oras na 33.54.7 para talunin sina Bernard Miguel Sy (36.31.6) at Victor Andrew Boherom (36.33.2).
Nanalo rin sina Nicole Danielle Eijansantos, inunahan si Samantha Borlain sa girls’ 13-14, at Yuan Chiongbian sa kanilang mga events.
Naorasan si Chiongbian ng bilis na 42:50.7 sa 400m swim, 12K bike at 3K run race para daigin sina Lucian Antonio Alejo (45:51.4) at John Caleb Barlin (45:53.3).
Tumipa naman si Eijansantos ng oras na 47:02.1 para panatilihin ang kanyang titulo laban kina Samantha Borlain (49:52.6) at Sam McInnes (50.05.6).
Ang iba pang nasa honor roll sa karerang inorganisa ng Sunrise Events, Inc. at itinataguyod ng Alaska Milk ay sina Justin Christopher Yu (27:43.4) at Lorayne Lencioco (27:09.5) sa 9-10 category at sina Michael Gabriel Lozada (18:03.2) at Ma. Chelsea Faith Minoza (18:20.6) sa 6-8 division.
Tinanggap ng mga podium finishers ang kanilang mga tropeo kay Sunrise president Fred Uytengsu.